After-Tech

Dinarayong Panagbenga Festival

Ang maringal na selebrasyong dinarayo sa summer capital ng Pilipinas ay tinawag na “Panagbenga Festival“. Ang okasyong ito ay hindi galing sa sinaunang tradisyon kungdi buhat sa ideya ng isang abogado na mamamayan ng Lungsod ng Baguio, si Atty Damaso E. Bangaoet Jr.

Noong huling bahagi ng dekada 70 ay ilang buwan din akong namalagi sa downtown Baguio, dahil sa isang kamag-anak na tagaroon. Wala pang selebrasyon ng Panagbenga noon kaya ang pagdiriwang na nasaksihan ko sa siyudad ay ang pagkakatatag ng Baguio City na taunang isinasagawa tuwing buwan ng Setyembre.

YOU MIGHT BE INTERESTED!

YOU MIGHT BE INTERESTED!

TAGS 2: Fashion Clothing, Shopee, Lazada, Alibaba, Tiktok, eBay, Lingerie, Clothes, Brief, Panty, Pants, Bra, Blouse, Dress, Bikini, Men Fashion, Women Fashion, Fashion Outfit, Swimsuit, Leggings, Jumpsuit, Sleepwear, Underwear, Shoes, Rubber Shoes, Slipper, Sneaker, Sportswear, Work Dresses, Outfit, Baby Dress, Apparel, Jacket, Jeans, Skirt, Cardigan, Clothing, Denim, T-shirt, Shirt, Puff Sleeve, Wardrobe, Gown, Sweater, Sport Gear, Adult Toy, Vibrator for Women, Dildo, Short Sleeve, Silicon ring, Maong Jeans, Hand bag, Office Attire, Night Gown, Nighties, Boxer Short, Seamless panty, Trunks, Bags, Strap, Trouser, Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Nike, Dry Fit, Dryfit

Ayon sa maikling istorya tungkol sa pista ng Panagbenga, iminungkahi umano ni Atty Bangaoet na magkaroon ng naiibang pagdiriwang ang Baguio City, na noon ay kababangon lang buhat sa matinding pinsalang natamo sanhi ng malakas na lindol na yumanig sa siyudad at sa ilang bahagi ng Luzon noong July 16, 1990.

Ang ideya ni Atty Bangaoet ay magkaroon ng pista ng bulaklak sa siyudad dahil sagana sa mga tanim na bulaklak ang lalawigan ng Benguet, na sumasakop sa Baguio City. Bagama’t may nagmungkahi rin na isabay sa foundation day ng Baguio ang flower festival, nanaig pa rin ang mungkahi ni Atty Bangaoet na gawin ang okasyon sa bwaun ng Pebrero dahil tapos na ang Yuletide season at papaharap naman sa Mahal na Araw.

At mula sa orihinal na titulong flower festival ay ginawa itong Panagbenga Festival, na ang kahulugan ay pista ng pamumukadkad ng mga bulaklak. Kaya nagmungkahi rin ang achivist at curator na siyudad na si Ike Picpican na gamitin ang titulong Panagbanga na hango sa salitang ‘Kankanaey’ o panahon ng pamumukadkad ng mga bulaklak.

Ngayong buwan ng Pebrero ay isang maringal na Panagbenga Festival na naman ang gaganapin sa Baguio City. Ang buong buwan ng Pebrero ay nakaukol sa naturang okasyon at ang pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang ay ang float parade.

Sa bawat araw ng Pebrero ay may iba’t ibang event kaya sulit ang pagbabakasyon ng mga turista sa buong panahon ng Panagbanga Festival. Ang problema lang sa pag-akyat sa Baguio ay ang matinding trapik dahil sa dami ng mga sasakyan at mga turistang umaakyat sa siyudad.

May tatlong ruta upang makapunta sa Baguio City. Ang lumang Kennon Road, Naguilian Road at ang Marcos Highway. Napupuno ng mga sasakyan ang mga lansangang ito ngayong peak season o panahon ng pagdagsa ng mga turista sa Siyudad ng Baguio.

Kaya kung may balak ang sinuman na saksihan ang highlight ng Panagbanga Festival, ngayon pa lang ay umakyat na kayo upang hindi mapasabay sa mabigat na daloy ng trapiko paakyat ng siyudad. Kaya lang, kailangang maghanda ng malaking badyet sa weeklong na pamamalagi sa Baguio dahil magastos talaga ang mamalagi ng matagal sa Summer Capital. (RONDA Balita Online News)

TOP GADGETS: Lazada, Zalora, Shopee, Alibaba, eBay, Samsung, Sony, Huawei, Vivo, iPhone, Apple, Mac, Acer, Redfox, Nvidia, Redmi, Realmi, Xiaomi, Doggee, Zeus, Tenda, Wireless, Nikon, Fujifilm, Panasonic, Canon, Asus, Mediatek, Oppo

ONLINE SHOPPING: Shopee, Lazada, Zalora, Amazon, eBay, eBay PH, Walmart, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Alibaba, Lamudi, Facebook Marketplace, Carousell, The British Store, Jollibee Bulacan, ConcepStore, Galleon PH, Metrodeal, Adobomall, BestBuy

POPULAR BRAND: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Prada, Dior, Saint Laurent, Loewe, Hermes bag, Hermès, Celine, Marni, Balenciaga, Alexander McQueen, Givenchy, Bottega Veneta, Chloé, Chloe bag, Versace, APC Bag, Dolce & Gabbana, Valentino Garavani, Off-White, JW Anderson, Balmain, Coach, Fendi, Burberry, Alaïa, Giorgio Armani, Jil Sander, The Row, Phillip Lim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Manny Camua Dela Cruz
Manny Camua Dela Cruzhttp://www.rondabalita.net
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

MORE ARTICLES

Subscribe to RondaBalita

Clicking any ADS on our site, is a kind support to us to keep going. Unlike others, we don't have 'Billionaire Entity' on our end. FREEDOM OF EXPRESSION is all we got.

AMAZING ARTICLES

Show Buttons
Hidden Gems
Hide this