After-Tech

Full-operation ng 26 Negosyo Centers sa Bulacan, umagapay sa 22,345 negosyo

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nagtamo ng malaking positibong resulta ang pagiging fully-operation ng 26 na mga Negosyo Centers sa Bulacan.  

Mula nang makumpletong mabuksan ang nasabing mga Negosyo Centers noong Disyembre 2021, umabot sa 22,345 na iba’t ibang uri ng mga negosyo sa lalawigan ang naagapayan sa pagitan ng Enero hanggang Hunyo 2022.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI)- Bulacan Provincial Director Edna Dizon, pinakamarami sa kanila ang 8,065 na naiproseso ang pagkakaroon ng mga business names.

Nasa 5,480 naman na dati nang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang natulungan gaya ng renewal ng business names, pagbibigay ng kasanayan sa marketing, branding, packaging at maging sa kung paano makakapagpa-abruba ng aplikasyon sa mga loan at grant programs.

Pinakamarami sa kanila ay naitala sa mga lungsod ng San Jose Del Monte, Malolos, Meycauayan at sa bayan ng Baliwag.

Tumulong din ang mga Negosyo Centers upang matagumpay na makapasok sa mga E-Commerce platforms gaya ng Lazada at Shopee ang may 2,441 na mga MSMEs.

Maging ang mga maliliit na naghahanap-buhay sa mga barangay ay naalalayan ng mga Negosyo Centers, kung saan 330 ang nairehistro sa Barangay Micro Business Enterprises o BMBE.

Iba pa riyan ang 70 napagkalooban ng tig-P13 libong puhunan sa ilalim ng Livelihood Seeding Program, para makapagbukas ng mga Sari-Sari Stores, Bigasan, Barbeque Stand at iba pang gaya nito sa 14 na pinakamahihirap na barangay sa Bulacan.

Para naman sa 25 na mga Bulakenyong Exporters na natulungang makabangon ng Negosyo Centers, sila ang mga nasa sektor ng tannery, jewelry, pyrotechnics at agribusiness. Mayroon ding mga establisemento na nasa sektor ng turismo ang tinulungang muling makapagbukas.

Ipinaliwanag ni Dizon na bukod sa muling pagbabalik na makapasok sa merkado, isang malaking hamon ngayon sa mga exporters ang pagkukuhanan ng mga raw materials kaya’t dito umaalalay ang mga Negosyo Centers sa pamamagitan ng DTI.

Pitong mamumuhunan naman ang inagapayan ng mga Negosyo Centers upang maaprubahan ng Board of Investments o BOI.

Kaugnay nito, nasa 5,997 na mga potensiyal na mga bagong MSMEs ang iprinoproseso ng mga Negosyo Centers sa buong lalawigan upang ganap na mabuksan at magkaroon ng business names.

Samantala ayon pa kay Dizon, nirerepaso na ng DTI at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang pagkakaroon ng sariling Negosyo Center sa bago nitong City Hall.

Magiging karagdagan ito sa tatlong Negosyo Center sites sa Malolos na nasa DTI-Bulacan Provincial Office, sa opisina ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) sa Hiyas ng Bulacan Convention Center at sa Lingkod Pinoy Center sa Robinson’s Place Malolos.

Mayroong tig-iisang Negosyo Centers sa dalawa pang lungsod at 21 mga bayan sa Bulacan.

Source: PIA Bulacan/Shane F. Velasco

TOP GADGETS: Lazada, Zalora, Shopee, Alibaba, eBay, Samsung, Sony, Huawei, Vivo, iPhone, Apple, Mac, Acer, Redfox, Nvidia, Redmi, Realmi, Xiaomi, Doggee, Zeus, Tenda, Wireless, Nikon, Fujifilm, Panasonic, Canon, Asus, Mediatek, Oppo

ONLINE SHOPPING: Shopee, Lazada, Zalora, Amazon, eBay, eBay PH, Walmart, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Alibaba, Lamudi, Facebook Marketplace, Carousell, The British Store, Jollibee Bulacan, ConcepStore, Galleon PH, Metrodeal, Adobomall, BestBuy

POPULAR BRAND: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Prada, Dior, Saint Laurent, Loewe, Hermes bag, Hermès, Celine, Marni, Balenciaga, Alexander McQueen, Givenchy, Bottega Veneta, Chloé, Chloe bag, Versace, APC Bag, Dolce & Gabbana, Valentino Garavani, Off-White, JW Anderson, Balmain, Coach, Fendi, Burberry, Alaïa, Giorgio Armani, Jil Sander, The Row, Phillip Lim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

RondaBalita Online
RondaBalita Onlinehttps://rondabalita.net
A team of journalists, the people behind RONDA Balita (Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente). Excelent in writing news articles in an honest and balanced manner. Working round the clock gathering information, current affairs, important events that matters to the public.

MORE ARTICLES

Subscribe to RondaBalita

Clicking any ADS on our site, is a kind support to us to keep going. Unlike others, we don't have 'Billionaire Entity' on our end. FREEDOM OF EXPRESSION is all we got.

AMAZING ARTICLES

Show Buttons
Hidden Gems
Hide this