After-Tech

Bolinao: Sagana sa yamang dagat

NAKAMAMANGHA ang ganda ng tanawin sa bayan ng Bolinao, sa lalawigan ng Pangasinan, na kinatatampukan ng mahahabang beach sa bawat bayan ng lalawigan na nakatunghay sa West Philippine Sea.

Ang mga bayan dito na palaging binibisita ng mga bakasyonista buhat sa Kamaynilaan, sa Bulacan at iba pang mga lugar na hindi nakakaligtaang balik-balikan ang magagandang pook pasyalan ng lalawigan tulad ng mga beach resort.

YOU MIGHT BE INTERESTED!

YOU MIGHT BE INTERESTED!

TAGS 2: Fashion Clothing, Shopee, Lazada, Alibaba, Tiktok, eBay, Lingerie, Clothes, Brief, Panty, Pants, Bra, Blouse, Dress, Bikini, Men Fashion, Women Fashion, Fashion Outfit, Swimsuit, Leggings, Jumpsuit, Sleepwear, Underwear, Shoes, Rubber Shoes, Slipper, Sneaker, Sportswear, Work Dresses, Outfit, Baby Dress, Apparel, Jacket, Jeans, Skirt, Cardigan, Clothing, Denim, T-shirt, Shirt, Puff Sleeve, Wardrobe, Gown, Sweater, Sport Gear, Adult Toy, Vibrator for Women, Dildo, Short Sleeve, Silicon ring, Maong Jeans, Hand bag, Office Attire, Night Gown, Nighties, Boxer Short, Seamless panty, Trunks, Bags, Strap, Trouser, Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Nike, Dry Fit, Dryfit

Saan-saang lugar nga ba matatagpuan ang mga resort na ito sa Pangasinan? Ang pinakapopular na pook pasyalan ng lalawigan ay ang pamosong Hundred Islands National Park na nasasakop ng kalupaan ng Lunsod ng Alaminos.

Buhat sa pantalan sa parke ng siyudad ay mayroong mga motorboat doon na pinaaarkila ng mga may-ari ng mga bangka sa mga turista. Habang sakay ng motorboat ay inililibot ang kanilang mga pasahero. Ang mga maliliit na isla na hinihintuan ng mga bangkang may sakay na mga turista ay ang Quezon Island, Governor’s Island, Children’s Island at Marcos Island.

Bukod sa Hundred Islands, ang isa pang pook pasyalan na dinadayo sa lalawigang ito ay ang beach ng Bolinao. Nasa gawing dulo ito ng kanlurang bahagi ng Pangasinan. Ang mga coastal barangay na kilalang ng kilala ng mga turista sa bayang ito ay ang Patar, Ilog-Molino at ang Barangay Estanza.

Ang pinakasikat na coastal barangay dito ay ang Patar dahil naroon ang naggagandahang beach resort. Mayroong mamahalin at mayroon din namang mga resort na abot-kaya ng bulsa ang halaga ng kanilang rooms and cottages.

Hindi lang naman ang beach resorts ang dinadayo sa Bolinao kungdi ang mga sikat na falls doon tulad ng Bolinao Falls 1,2,3 at ang Tara Falls. Sa bawat falls ay mayroong lagoon na kung saan doon bumabagsak ang malamig na tubig na galing sa talon.

Nagsisilbing paliguan naman ang lagoon ng mga turista at masarap magtampisaw sa cool natural water ng lagoon lalo na kung mainit ang panahon. Bago naman umuwi ang mga turista pagtapos ng kanilang bakasyon sa Bolinao ay hindi nila kinaliligtaang puntahan ang Cafe Bolinao Lighthouse.

Ito ang parola na ito ay itinayo noong 1905 sa pagtutulungan ng Filipino, British at American engineers. Ginawa ang parola upang maiwasan ang aksidente sa dagat at nagsisilbin rin itong gabay ng mga barko na nanggagaling ng Hong Kong, Japan at Estados Unidos.

Ang pinakamagandang karanasan ng mga turistang dumadayo sa beach ng Bolinao ay ang pamimili sa wet market ng Bolinao ng iba’t ibang uri ng isdang dagat na ang karamihan ay kahuhuli pa lamang kaya sariwang sariwa. Bukod sa sariwa, mababa pa ang presyo ng mga isda roon kumpara sa mga isdang-dagat na nabibili sa iba’t ibang pamilihan sa Bulacan

Doon ka makakabili ng sariwang dalagang bukid sa murang halaga. Dito kasi sa Bulacan, ang isdang dalagang bukid ay sadyang kinukulayan ng pangulay na kulay pula. Ang dalagang bukid doon sa Bolinao Public Market ay natural na kulay lamang ang mapapansin at dahil bagong huling isda na dinadala sa wet market, naghahalo ang kulay na pula at puti sa katawan ng sariwang dalagang bukid.

Nakakabili rin doon ng tumpok ng lapu-lapu na hindi naman kalakihan. Siyempre pa, mas mababa ang presyo ng lapu-lapu sa wet market ng Bolinao, kaysa nabibiling lapu-lapu dito sa Bulacan. Mayroon din yellow fin tuna, pampano, samaral, needle fish, bisugo at iba pang uri ng mga isda na nabibili sa public market.

Kaya naman hindi nakakabili ng bilasang isda ang mga mamimili sa palengke ng Bolinao dahil sariwa talaga ang mga tindang isda roon. Puwede ihawin, iprito at isigang ang sariwang isda na nabibili sa palengke ng Bolinao. Hindi lang iyan, sadyang nagdadala ng cooler ang mga turista upang doon ilagay ang kanilang mga napamiling isda.

Kaya kapag ang destinasyon ng mga turista ay sa Norte, ang Bolinao ang isa sa mga pook pasyalan na nasa iterinaryo ng mga turista. Mayroon din namang coastal towns sa Pangasinan na dinarayo din ng mga turista tulad ng Agno, Anda, Alaminos City, Burgos, Dasol, Dagupan City Lingayen, Anda, Bani , at San Fabian. Pero ang Bolinao pa rin ang first choice ng mga turista dahil sa magagandang katangian nito. (RONDA BALITA Online)

TAGS: Shopee, Lazada, ZilingoTrade, LookingFour, BuyLocal PH, Poundit, Carmudi, Lamudi, Shopinas, Rotita, The British Store, Amazon, Khol’s, Walmart, Zappos, Jollibee Bulacan, NewEgg, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Zalora, Alibaba, Metrodeal, eBay PH, Galleon PH, Deal Grocer, Autodeal, Zipmatch, KimStore, Globe Shop, Facebook Marketplace, Carousell, Malolos Bulacan Food Delivery, ConcepStore, Ticketnet, Food Panda, Grab Food, Adobomall, Zagana, Nativbird

TOP GADGETS: Lazada, Zalora, Shopee, Alibaba, eBay, Samsung, Sony, Huawei, Vivo, iPhone, Apple, Mac, Acer, Redfox, Nvidia, Redmi, Realmi, Xiaomi, Doggee, Zeus, Tenda, Wireless, Nikon, Fujifilm, Panasonic, Canon, Asus, Mediatek, Oppo

ONLINE SHOPPING: Shopee, Lazada, Zalora, Amazon, eBay, eBay PH, Walmart, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Alibaba, Lamudi, Facebook Marketplace, Carousell, The British Store, Jollibee Bulacan, ConcepStore, Galleon PH, Metrodeal, Adobomall, BestBuy

POPULAR BRAND: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Prada, Dior, Saint Laurent, Loewe, Hermes bag, Hermès, Celine, Marni, Balenciaga, Alexander McQueen, Givenchy, Bottega Veneta, Chloé, Chloe bag, Versace, APC Bag, Dolce & Gabbana, Valentino Garavani, Off-White, JW Anderson, Balmain, Coach, Fendi, Burberry, Alaïa, Giorgio Armani, Jil Sander, The Row, Phillip Lim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Manny Camua Dela Cruz
Manny Camua Dela Cruzhttp://www.rondabalita.net
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

MORE ARTICLES

Subscribe to RondaBalita

Clicking any ADS on our site, is a kind support to us to keep going. Unlike others, we don't have 'Billionaire Entity' on our end. FREEDOM OF EXPRESSION is all we got.

AMAZING ARTICLES

Show Buttons
Hidden Gems
Hide this