After-Tech

Bocaue, naiuwi ang titulo ng Hari at Reyna ng Singkaban 2022

LUNGSOD NG MALOLOS — Sinolo ng bayan ng Bocaue, Bulacan ang mga titulo bilang Hari at Reyna ng Singkaban sa taong ito sa katauhan nina Hari Jordan Jose San Juan at Reyna Zeinah P. Al-Saaby sa ginanap na Grand Coronation Night sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito nitong Saturday (Sept. 10).

Maliban sa titulo, inuwi din ni Hari ng Singkaban 2022 ang Best in Formal Wear, Mr. Photogenic, Best in Sminwear, at Smart Choice Award; habang napanalunan din ni Reyna ng Singkaban 2022 ang Ms. Photogenic Special Award.

Kapwa nalulugod sa kanilang pagkakapanalo, pinasalamatan ng dalawa ang kanilang pamilya, handlers, at mga tagasuporta sa pagtitiwala sa kanila.

Nangako si Al-Saaby na isusulong ang turismo ng lalawigan habang patuloy namang magiging inspirasyon sa kanyang mga kapwa kabataan si San Juan.

Nag-uwi ang Hari at Reyna ng Singkaban ng tig-P25,000 bawat isa; ang Hari at Reyna ng Turismo, Hari at Reyna ng Sining at Kultura, at Hari at Reyna ng Kasaysayan naman ay nagkamit ng P10,000 bawat isa; habang parehong nag-uwi ng P6,000 ang 1st at 2nd runners up.

Pinasalamatan at binati ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga kalahok sa kanilang pagsisikap na ipakilala sa kasalukuyang henerasyon ang iba’t ibang tradisyon at pagdiriwang ng Lalawigan ng Bulacan.

“Hindi malayo na sa susunod na panahon, sa inyong hanay ang mga international kings and queens dahil nililinang ng paligsahang tulad nito ang inyong kakayahan at kumpyansang dalhin ang inyong sarili at ipahayag ang inyong tunay na saloobin,” anang gobernador.

Dinoble rin niya ang premyo ng mga nagsipagwagi sa paligsahan.

Samantala, kinoronahan sina Hari ng Hagonoy Almer F. De Jesus at Reyna ng Santa Maria Liza M. Gonzales bilang Hari at Reyna ng Turismo 2022, at parehong nagkamit ng Best in Talent at Best in Festival Costume awards.

Dagdag pa rito, iginawad ang Hari at Reyna ng Sining at Kultura 2022 kina Hari ng Obando Rei Aldrich Gregorio at Reyna ng Malolos Rian Maclyn L. Dela Cruz na nagkamit rin ng Best in Formal Wear at Best in Swimwear awards.

Gayundin, tinanggap ni Hari ng Malolos Adrian Joseph B. Arias ang Hari ng Kasaysayan at People’s Choice Award; habang nasungkit ni Reyna ng Pulilan Antonette Viktoria Leonardo Acosta ang Reyna ng Kasaysayan at Smart Choice Award.

Wagi rin sina Hari ng Meycauayan Keanu McGrath at Reyna ng Bulakan Jiensey Jeacann M. Arcillas bilang 1st runners up; sina Hari ng Paombong Rowel Christian Mendoza at Reyna ng San Rafael Sherenade Anne S. Gonzales bilang 2nd runners up; at Reyna ng Obando Jessa Louise T. Peregrina ng People’s Choice Award. (RONDA BALITA Online)

TOP GADGETS: Lazada, Zalora, Shopee, Alibaba, eBay, Samsung, Sony, Huawei, Vivo, iPhone, Apple, Mac, Acer, Redfox, Nvidia, Redmi, Realmi, Xiaomi, Doggee, Zeus, Tenda, Wireless, Nikon, Fujifilm, Panasonic, Canon, Asus, Mediatek, Oppo

ONLINE SHOPPING: Shopee, Lazada, Zalora, Amazon, eBay, eBay PH, Walmart, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Alibaba, Lamudi, Facebook Marketplace, Carousell, The British Store, Jollibee Bulacan, ConcepStore, Galleon PH, Metrodeal, Adobomall, BestBuy

POPULAR BRAND: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Prada, Dior, Saint Laurent, Loewe, Hermes bag, Hermès, Celine, Marni, Balenciaga, Alexander McQueen, Givenchy, Bottega Veneta, Chloé, Chloe bag, Versace, APC Bag, Dolce & Gabbana, Valentino Garavani, Off-White, JW Anderson, Balmain, Coach, Fendi, Burberry, Alaïa, Giorgio Armani, Jil Sander, The Row, Phillip Lim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttps://www.rondabalita.net
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

MORE ARTICLES

Subscribe to RondaBalita

Clicking any ADS on our site, is a kind support to us to keep going. Unlike others, we don't have 'Billionaire Entity' on our end. FREEDOM OF EXPRESSION is all we got.

AMAZING ARTICLES

Show Buttons
Hidden Gems
Hide this