After-Tech

‘Wearing Face Mask Save Lives’

SIMPLENG bagay, pero maraming buhay ang naisalba ng face mask, lalo na noong kasagsagan ng pananalasa ng Covid 19, hindi lamang dito sa Pilipinas, kungdi sa halos lahat ng mga bansa sa buong mundo na sakop ng deklarasyon ng pandemya.

Matatandaan na kamakailan lang ay isang executive order ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalaman ng kautusan na ang pagsusuot ng face mask ay optional na lamang at hindi na inoobliga ang mamamayan na magsuot ng face mask sa labas. Sa madaling salita, kung sino lamang ang gustong magsuot ng face mask sa labas ay malaya sila sa kanilang kagustuhan.

Pero may pasubali ang nasabing kautusan. Hindi kabilang dito ang mga taong hindi bakunado, dahil mapanganib sa tulad nila ang hindi pagsusuot ng face mask dahil nariyan pa rin ang banta ng Covid 19. Ang mga vaccinated people ay protektado ng bakuna kaya kahit na hindi sila magsuot ng face mask sa labas ay walang peligro.

Sa bansang Singapore, ang mga taong hindi bakunado sa nasabing bansa ay hindi pinapayagang pumunta sa mga fastfood store. Tulad dito sa atin, may ilang establisimyento na hinahanap ang vaccination card ng kanilang mga parokyano bago pumasok ng establishment, pero ilan lang ang ganun. Sa Singapore ay hindi rin makakasakay sa public utility vehilcle ang mga taong hindi bakunado.

Ayon sa mga kababayan natin na nasanay na sa pagsusuot ng face mask, hindi na umano sila sanay na mag-alis ng suot na face mask sa open space kaya kahit na optional na lamang. Hindi lang umano covid ang kanilang iniiwasan kungdi ang iba pang karamdaman tulad ng sipon, ubo at iba pang communicable diseases tulad ng HIV, hepatitis A, B and C, measles, salmonella, at itong blood-borne illnesses.

Kaya hindi kalugihan para sa kanila ang pagsusuot ng face mask dahil malaking bagay ito para sa kanila upang makaiwas sa anomang sakit na maaaring makahawa sa kanila. Noong hindi pa uso ang covid, ang mga tao kapag dumadalaw sa kaanak o kaibigan na naka-confine sa ospital ay hindi naman nagsusuot ng face mask dahil nga hindi nakasanayan ng mga tao noon ang pagsusuot ng face mask.

Kung meron mang nakikitang nakasuot ng face mask ay ang mga tao na sumasailalim sa regular dialysis. Ang mga pasyenteng ito ay mahihina ang immune system dahil hindi na nagpa-function ang kanilang mga kidney kaya mahihina ang kanilang mga katawan at vurnerable sa anomang sakit na madaling makahawa.

Kaya pinagsusuot  sila ng face mask ng kanilang mga duktor upang hindi sila makontamina ng Infectious diseases, at viruses na nasasagap sa hangin at sa mga kulob na lugar. Kaya nangyayari sa mga taong mahihina ang immune system na kapag sila ay bumisita sa kaanak o kakilala na nakaratay sa hospital ward ay doon sa ospital sila nakakakuha ng sakit.

Kaya napakaganda at napakahalaga ang nagawa nitong face mask sa sangkatauhan dahil kung wala ito ay baka marami ang namatay. Tamang may mga nasawi sa covid sa kabila ng mahigpit na pag-iingat ng mga kinauukulan, gayundin ang ginagawang pag-iingat ng mga mamamayan.

Sa kabila niyon, malaking bagay talaga ang face mask at napakahalaga ng papel na ginagampanan ng face mask hanggang ngayon ng dahil nahahadlangan ng face mask, lalo na ang surgical mask at N95 mask ang viruses at iba pang mikrobyo na pinagmumulan ng iba’t ibang karamdaman. (RONDA BALITA Online)

RELATED ARTICLES:

TOP GADGETS: Lazada, Zalora, Shopee, Alibaba, eBay, Samsung, Sony, Huawei, Vivo, iPhone, Apple, Mac, Acer, Redfox, Nvidia, Redmi, Realmi, Xiaomi, Doggee, Zeus, Tenda, Wireless, Nikon, Fujifilm, Panasonic, Canon, Asus, Mediatek, Oppo

ONLINE SHOPPING: Shopee, Lazada, Zalora, Amazon, eBay, eBay PH, Walmart, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Alibaba, Lamudi, Facebook Marketplace, Carousell, The British Store, Jollibee Bulacan, ConcepStore, Galleon PH, Metrodeal, Adobomall, BestBuy

POPULAR BRAND: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Prada, Dior, Saint Laurent, Loewe, Hermes bag, Hermès, Celine, Marni, Balenciaga, Alexander McQueen, Givenchy, Bottega Veneta, Chloé, Chloe bag, Versace, APC Bag, Dolce & Gabbana, Valentino Garavani, Off-White, JW Anderson, Balmain, Coach, Fendi, Burberry, Alaïa, Giorgio Armani, Jil Sander, The Row, Phillip Lim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Manny Camua Dela Cruz
Manny Camua Dela Cruzhttp://www.rondabalita.net
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

MORE ARTICLES

Subscribe to RondaBalita

Clicking any ADS on our site, is a kind support to us to keep going. Unlike others, we don't have 'Billionaire Entity' on our end. FREEDOM OF EXPRESSION is all we got.

AMAZING ARTICLES

Show Buttons
Hidden Gems
Hide this