ARESTADO ang aktor na si Dominic Roco at apat na iba pa sa isang drug buy-bust operation sa loob ng isang townhouse sa Quezon City noong Sabado ng umaga, Oktubre 1.
Nahulihan ang grupo ni Roco ng 15 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000 at 10 gramo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P14,000.
Isinagawa ang operasyon sa townhouse sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.
Inaresto ng Quezon City Police District ang pangunahing target na sina Reynaldo Sanchez, Roco, dalawa pang lalaki, at isang babae.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002.
Kamakailan ay naging bahagi si Roco ng mga pelikulang Liway at I’m Drunk, I Love You. Sumikat siya bilang child actor noong 2006 na Super Inggo.
TAGS: Shopee, Lazada, ZilingoTrade, LookingFour, BuyLocal PH, Poundit, Carmudi, Lamudi, Shopinas, Rotita, The British Store, Amazon, Khol’s, Walmart, Zappos, Jollibee Bulacan, NewEgg, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Zalora, Alibaba, Metrodeal, eBay PH, Galleon PH, Deal Grocer, Autodeal, Zipmatch, KimStore, Globe Shop, Facebook Marketplace, Carousell, Malolos Bulacan Food Delivery, ConcepStore, Ticketnet, Food Panda, Grab Food, Adobomall, Zagana, Nativbird