After-Tech

Ika-339 pagkakatatag ng Angat, pinagdiwang; 1st GulayAngat Festival 2022, matagumpay

ANGAT — Matagumpay na ipinagdiwang ang ika-339 taong pagkakatatag ng Bayan ng Angat noong nakaraang Lunes (Oktubre 24, 2022) kaalinsabay sa paglulunsad ng kauna-unahang “GulayAngat” Festival o Gunita ng Lahi at Yamang Angat.

Layunin ng GulayAngat Festival na ipakilala ang angking kagandahan ng nasabing bayan at ang potensyal nito para sa pagyabong ng turismo kaakibat ang pangkalahatang pag-unlad ng mga mamamayang nananahan dito.

YOU MIGHT BE INTERESTED!

YOU MIGHT BE INTERESTED!

TAGS 2: Fashion Clothing, Shopee, Lazada, Alibaba, Tiktok, eBay, Lingerie, Clothes, Brief, Panty, Pants, Bra, Blouse, Dress, Bikini, Men Fashion, Women Fashion, Fashion Outfit, Swimsuit, Leggings, Jumpsuit, Sleepwear, Underwear, Shoes, Rubber Shoes, Slipper, Sneaker, Sportswear, Work Dresses, Outfit, Baby Dress, Apparel, Jacket, Jeans, Skirt, Cardigan, Clothing, Denim, T-shirt, Shirt, Puff Sleeve, Wardrobe, Gown, Sweater, Sport Gear, Adult Toy, Vibrator for Women, Dildo, Short Sleeve, Silicon ring, Maong Jeans, Hand bag, Office Attire, Night Gown, Nighties, Boxer Short, Seamless panty, Trunks, Bags, Strap, Trouser, Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Nike, Dry Fit, Dryfit

Ang paggunita sa ika-339 taong pagkakatatag ng Angat na may temang “Binhi ng Kasaysayan, Payabungin… Bunga ng Pag-Ahon, Pag-Angat, Aanihin!” ay napagtagumpayan sa pamumuno ni Mayor Reynante “Jowar” Bautista katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Arvin Agustin at sa pakikiisa ng mga Kasangguni na higit namang tinutukan ni  Konsehal  William S. Vergel De Dios bilang kinatawan ng Tourism, Culture, Arts, History and Environmental Protection.

Ang GulayAngat Festival ay kinapapalooban ng mga kumpetisyon na kinapapalooban ng isang hamon na ang tanging mga kalahok ay pawang mga Angatenyo lamang upang maipamalas ang kanilang makabuluhang ambag at makilala ang mga pangunahing produktong laman ng ating mga  hapag na ani mula sa nasabing bayan.

Nagtagisan ng galing ang 11 barangay at nagpakita ng kani-kanilang husay sa pag- indak sa streedancing.

Mapalad namang nagwagi ang Barangay Paltok ng Unang Gantimpala at Best in Costume Award at nasungkit naman ng Barangay Binagbag ang Ikalawang Gantimpala at Ikatlo ang Barangay Sulucan.

Sinabi ni Mayor Jowar  na “sa matagal na panahon, hindi nabigyan ng kaukulang pagpapahalaga ang pagsilang ng ating dakilang bayan.

Mapagpasya ang hakbanging ito sapagkat layunin nating itampok na sa lalawigan ng Bulacan ang naging papel ng bayan ng Angat sa kasaysayan ng lahing Bulakenyo, sa kasaysaya ng lahing Pilipino. Sisimulan nating iguhit muli sa karugtong ng kasaysayan. Ang isang bagong Angat na may pagpapahalaga sa kultura, tradisyon at likas na yamang taglay ng ating bayan. Isang bagong Angat na makatotohanan sa kahulugan ng knyang pangalan-ANGAT: nasa itaas ay tinitingala!”

Bilang hudyat ng programa noong Oktubre 21, 2022 ay nagsagawa ng isang masaya at makulay na Caravan mula sa Barangay Niugan hanggang Municipal Gym.

Naging tampok din sa nasabing pagdiriwang ang kumpetisyon ng Lakan at Lakambini, Himig ng GulayAngat (Festival Songwriting Contest), Laro ng Laking GulayAngat, Cooking Contest (Hapag ng Pamana), Gawad Linang at Indakan sa GulayAngat na may konseptong Indakan sa Kalye na siyang sumasalamin sa tradisyon at kultura kung saan makikilala at nakikilala ang bayan ng Angat.

Matapos ang masaya at matagumpay na pagdiriwang ay buong siglang pinasalamatan ni Mayor Bautista ang lahat ng lumahok at nakiisa sa katatapos lamang na festival aniya,  “hindi po namin ito maisasakatuparan kung wala po ang pakikiisa ninyong lahat, umasa po kayo na hindi  po ito ang una at huli nating pagdiriwang”.

Dumalo bilang panauhing pandangal si Congressman Salvador Pleyto, Kinatawan ng ika-anim Distrito at ang dating Punong Bayan ng Angat na si Mayor Lito Vergel De Dios. (RODNA BALITA Online)

TOP GADGETS: Lazada, Zalora, Shopee, Alibaba, eBay, Samsung, Sony, Huawei, Vivo, iPhone, Apple, Mac, Acer, Redfox, Nvidia, Redmi, Realmi, Xiaomi, Doggee, Zeus, Tenda, Wireless, Nikon, Fujifilm, Panasonic, Canon, Asus, Mediatek, Oppo

ONLINE SHOPPING: Shopee, Lazada, Zalora, Amazon, eBay, eBay PH, Walmart, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Alibaba, Lamudi, Facebook Marketplace, Carousell, The British Store, Jollibee Bulacan, ConcepStore, Galleon PH, Metrodeal, Adobomall, BestBuy

POPULAR BRAND: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Prada, Dior, Saint Laurent, Loewe, Hermes bag, Hermès, Celine, Marni, Balenciaga, Alexander McQueen, Givenchy, Bottega Veneta, Chloé, Chloe bag, Versace, APC Bag, Dolce & Gabbana, Valentino Garavani, Off-White, JW Anderson, Balmain, Coach, Fendi, Burberry, Alaïa, Giorgio Armani, Jil Sander, The Row, Phillip Lim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Verna Santos
Verna Santoshttp://www.rondabalita.net
VERNA CHING SANTOS has been part of news writer/contributor of RondaBalita Online News Team for over the years. The person behind the column Ugnayan Sa Barangay

MORE ARTICLES

Subscribe to RondaBalita

Clicking any ADS on our site, is a kind support to us to keep going. Unlike others, we don't have 'Billionaire Entity' on our end. FREEDOM OF EXPRESSION is all we got.

AMAZING ARTICLES

Show Buttons
Hidden Gems
Hide this