After-Tech

Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ng Bulacan-based journalist  

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Bumuhos ang pakikiramay at pakikidalamhati ng mga nagulat na kaibigan, kamag-anak at mga ka-trabaho sa biglaang pagpanaw ng community based journalist na si Roseth Reyes.

Si Reyes, 38 anyos, tubong Barangay Maysantol sa bayan ng Bulakan, ay binawian ng buhay dahil sa stage 4 cervical cancer noong Nobyembre 4 sa kanyang tirahan sa Barangay Caniogan sa Malolos sa ganap na alas-6:45 ng hapon.

Si Roseth kung tawagin ng kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ay ilang buwan ding nakipagbuno hanggang sa maigupo ng sakit na cervical cancer.

Si Reyes ay isa sa nagmamay-ari ng RONDA Balita weekly newspaper at RONDA Balita Online news, ay nagsilbi rin bilang account manager at manunulat nito.

Si Reyes ay ilang gabi ibinurol sa St. Peter Chapel sa Lungsod ng Malolos bago inilibing sa Galilee Memorial Gardens sa Barangay Pinagbakahan.

Naiwan niya ang kanyang partner in life na si Manny D. Balbin, isang reporter ng Philippine News Agency at Edito-in-Chief ng RONDA Balita at ang mga anak na sina Franceska Rose, 19, Guia Trisha, 16, at Drigo Ross, 9.

Nais namang magpasalamat ng lubos ng pamilya sa mga taong tumulong, nakiramay at nakidalamhati sa panahong sila ay naghihinagpis sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay na si Roseth Reyes.

Maraming Salamat po at Paalam Ate Roseth! (RONDA BALITA Online)

TOP GADGETS: Lazada, Zalora, Shopee, Alibaba, eBay, Samsung, Sony, Huawei, Vivo, iPhone, Apple, Mac, Acer, Redfox, Nvidia, Redmi, Realmi, Xiaomi, Doggee, Zeus, Tenda, Wireless, Nikon, Fujifilm, Panasonic, Canon, Asus, Mediatek, Oppo

ONLINE SHOPPING: Shopee, Lazada, Zalora, Amazon, eBay, eBay PH, Walmart, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Alibaba, Lamudi, Facebook Marketplace, Carousell, The British Store, Jollibee Bulacan, ConcepStore, Galleon PH, Metrodeal, Adobomall, BestBuy

POPULAR BRAND: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Prada, Dior, Saint Laurent, Loewe, Hermes bag, Hermès, Celine, Marni, Balenciaga, Alexander McQueen, Givenchy, Bottega Veneta, Chloé, Chloe bag, Versace, APC Bag, Dolce & Gabbana, Valentino Garavani, Off-White, JW Anderson, Balmain, Coach, Fendi, Burberry, Alaïa, Giorgio Armani, Jil Sander, The Row, Phillip Lim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Mark Ismil
Mark Ismilhttps://www.rondabalita.net
MARK ISMIL has been part of news writer/contributor of RondaBalita Online News Team for over the years. Studied at Bulacan State University Bachelor of Science in Mathematics Major in Business Application

MORE ARTICLES

Subscribe to RondaBalita

Clicking any ADS on our site, is a kind support to us to keep going. Unlike others, we don't have 'Billionaire Entity' on our end. FREEDOM OF EXPRESSION is all we got.

AMAZING ARTICLES

Show Buttons
Hidden Gems
Hide this