After-Tech

Baliwag City: Natupad na pangarap ni Mayor Estrella

BALIWAG, Bulacan — Nalalapit nang magkaroon ng katuparan ang dati’y pangarap lamang ni Mayor Ferdinand “Ferdie” V. Estrella na maging lungsod ang bayang sinilangan matapos maging batas noong Hulyo 30 ang Republic Act 11929 o ang “An Act Converting the Municipality of Baliwag in the Province of Bulacan into a Component City to be known as the City of Baliwag.”

Positibong tugon na lamang ng mga mamamayan ng Baliwag ang kinakailangan sa itinakdang plebisito na pangangasiwaan ng Commission on Elections o Comelec sa Disyembre 17 sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon na nauna nilang itinakda ng Enero 14, 2023.

YOU MIGHT BE INTERESTED!

YOU MIGHT BE INTERESTED!

TAGS 2: Fashion Clothing, Shopee, Lazada, Alibaba, Tiktok, eBay, Lingerie, Clothes, Brief, Panty, Pants, Bra, Blouse, Dress, Bikini, Men Fashion, Women Fashion, Fashion Outfit, Swimsuit, Leggings, Jumpsuit, Sleepwear, Underwear, Shoes, Rubber Shoes, Slipper, Sneaker, Sportswear, Work Dresses, Outfit, Baby Dress, Apparel, Jacket, Jeans, Skirt, Cardigan, Clothing, Denim, T-shirt, Shirt, Puff Sleeve, Wardrobe, Gown, Sweater, Sport Gear, Adult Toy, Vibrator for Women, Dildo, Short Sleeve, Silicon ring, Maong Jeans, Hand bag, Office Attire, Night Gown, Nighties, Boxer Short, Seamless panty, Trunks, Bags, Strap, Trouser, Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Nike, Dry Fit, Dryfit

Itinakda din ng Comelec ang pagbibigay ng impormasyon at kampanya patungkol sa pagiging lunsod sa  Nobyembre 17 hanggang sa Disyembre 15 at magpapatupad ng pagbabawal nang pagdadala ng baril sa panahon ng kampanya.

Ang plebisito ang huling bahagi ng proseso para maging lungsod ang isang munisipalidad, katumbas nang pagpoproklama ng isang nanalong kandidato sa isang halalan.

Kinakailangan na makakuha ng mayorya at manalo ang botong YES para maratipikahan at maging ganap nang lunsod ang Bayan ng Baliwag.

Kung sakali’y magiging ika-4 na lunsod na ang Baliwag sa Bulacan kasama ang Meycauayan, Malolos at San Jose Del Monte at magiging 20 na lamang ang bayan naman sa  lalawigan.

Sa isanagawang panayam  ni 3-termer Mayor Ferdinand “Ferdie” V. Estrella sa ilang mamamahayag sa Lalawigan ng Bulacan, sinabi niyang tatlo ang kinakailangang pagbabasehan para maging lunsod ang isang bayan, ang income, population at land area.

Makapasok lang ani Mayor Estrella ang isang bayan sa 2 sa 3 na nabanggit na pamantayan ay puwede nang maging isang siyudad ang isang munisipalidad.

Kaya taong 2018 nang simulang iproseso ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang pagiging lunsod na noo’y may kita na PhP100.7M at PhP111.17M ngayong taon.

Mayroon populasyong 168,470 na  katao base sa 2020 Census of Population and Housing na pasok sa pamantayang 150,000 katao, kahit hindi nakaabot  ang total land area na 45 square kilometer sa kinakailangang 100 square kilometer.

Inihalintulad ni Mayor Estrella sa hatian ng isang “pizza pie” ang maaring tanggaping pondo ng Baliwag na kasalukuyang may PhP330M na Internal Revenue Allotment o IRA, sa pamahalaang nasyonal. Sa pagiging  lunsod aniya, 147 lamang na siyudad sa buong PIlipinas ang maghahati-hati, samantalang sa pagiging isang bayan ay 1480 bayan sa buong bansa ang pagbibigyan

Naalala ni Mayor Ferdie na Taong 2016, unang taon pa lang ng kanyang paglilingkuran ay naisagot na niya sa isang blogger na “I see Baliwag as a component city 10 years from now.”

At totoo sa kanyang mga sinabi, kumakaway na sa mga Baliwagenyo ang pagiging lunsod, na bunga ng dedikasyon sa pagseserbisyo sa kanyang nasasakupan katuwang ang maaasahan at episyenteng mga opisyal at kawani ng pamahalaang bayan.

Kung tutuusin anang alkalde, ang Baliwag ang una sanang naging lunsod sa Lalawigan ng Bulacan, taong 1970 nang isulong ni noo’y Mayor Tino Vergel De Dios ang cityhood ng Baliwag, nguni’t hindi nagkaisa ang mga nanunungkulan noon.

Noong termino naman ng kanyang amang si dating 3-termer ding Mayor Romy Estrella, na inidolo ni Mayor Ferdie sa pangarap nang pagiging lunsod, hindi naman pumasok sa kinakailangang pamantayan.

Kaya mapalad ang administrasyon ni Mayor Estrella sa 100 porsyentong ibinibigay ng buong Sangguniang Bayan at ng bawat pamahalaang barangay sa isinusulong niyang bisyon na magpapaunlad pang lalo ng lokal na ekonomiya ng Baliwag, damay na pati na rin ang buong lalawigan.

Hinihiling ni Mayor Estrella sa mga kababayang Baliwagenyo na suportahan ang cityhood, magkaisa, magsama-sama at magsilbing bahagi ng isang kasaysayan sa parating na Lunsod ng Baliwag.

Patuloy din ang Punong Bayan sa pagpapaliwanag sa bawat barangay sa pamamagitan ng “Yes to Baliwag City Caucus Caravan,” ang mga benepisyong idudulot nang pagiging lunsod at isa-isang sinasagot ang mga katanungan ng kanyang mga kababayan.

Bukod pa diyan ang pagpapaliwanag sa  Mayor Ferdie Estrella FB Page na mayroong mahigit sa 178 na libong tagasubaybay.

“Hayaan ninyo akong manguna. Kung noon ay pinagkatiwalaan ninyo ako ng ilang beses bilang Punong Bayan, hinihiling kong muli ninyo akong pagkatiwalaan. Gawin ninyo akong driver o kapitan ng barko para dalhin ko ang minamahal nating Baliwag sa mas mataas na antas ng pamamahala, sa mas mataas na lebel ang ating bayan.”

“WALA PONG MUNISIPYO NA NAGING CITY NA NAGSISI! Kaya sa inyo pong lahat minamahal kong mga Baliwagenyo, sama-sama po nating ipanalo ang YES TO BALIWAG CITY,” pagtatapos ni Mayor Estrella.

Naging bahagi sa pagsusulong na maging lunsod ang Baliwag sina Congressman Apol Pancho ng Ika-2 Distrito ng Bulacan, Congressman Paolo Duterte at Congressman Eric Go Yap ng ACT CIS Party-list, sa pamamagitan ng House Bill No. 7362 nong Agosto 2021 sa Mababang Kapulungan o Kongreso.

Ginawan ng bersyon sa Mataas na Kapulungan o Senado sa pamamagitan ng Senate Bill No. 2462 na iniakda ni Senador Joel Villanuev na isa ring Bulakenyo at isinulong ni Senador Francis Tolentino, Chairperson ng Senate Committee on Local Government. (RONDA BALITA Online) 

TOP GADGETS: Lazada, Zalora, Shopee, Alibaba, eBay, Samsung, Sony, Huawei, Vivo, iPhone, Apple, Mac, Acer, Redfox, Nvidia, Redmi, Realmi, Xiaomi, Doggee, Zeus, Tenda, Wireless, Nikon, Fujifilm, Panasonic, Canon, Asus, Mediatek, Oppo

ONLINE SHOPPING: Shopee, Lazada, Zalora, Amazon, eBay, eBay PH, Walmart, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Alibaba, Lamudi, Facebook Marketplace, Carousell, The British Store, Jollibee Bulacan, ConcepStore, Galleon PH, Metrodeal, Adobomall, BestBuy

POPULAR BRAND: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Prada, Dior, Saint Laurent, Loewe, Hermes bag, Hermès, Celine, Marni, Balenciaga, Alexander McQueen, Givenchy, Bottega Veneta, Chloé, Chloe bag, Versace, APC Bag, Dolce & Gabbana, Valentino Garavani, Off-White, JW Anderson, Balmain, Coach, Fendi, Burberry, Alaïa, Giorgio Armani, Jil Sander, The Row, Phillip Lim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttps://www.rondabalita.net
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

MORE ARTICLES

Subscribe to RondaBalita

Clicking any ADS on our site, is a kind support to us to keep going. Unlike others, we don't have 'Billionaire Entity' on our end. FREEDOM OF EXPRESSION is all we got.

AMAZING ARTICLES

Show Buttons
Hidden Gems
Hide this