After-Tech

Produktong likha ng 45 na PDL sa Bulacan, tampok sa OTOPamasko Pre-Holiday Fair ng DTI

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Umalalay na ang Department of Trade and Industry o DTI- Bulacan sa promosyon at pag-aalok ng mga produktong likhang kamay ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL na nasa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa binuksang OTOPamasko Pre-Holiday Fair ng DTI sa Robinson’s Place Malolos, tampok ang mga produkto na gawa ng 25 na PDL sa Marilao Municipal Jail, 10 sa Balagtas District Jail at 10 sa Baliwag Municipal Jail.

YOU MIGHT BE INTERESTED!

YOU MIGHT BE INTERESTED!

TAGS 2: Fashion Clothing, Shopee, Lazada, Alibaba, Tiktok, eBay, Lingerie, Clothes, Brief, Panty, Pants, Bra, Blouse, Dress, Bikini, Men Fashion, Women Fashion, Fashion Outfit, Swimsuit, Leggings, Jumpsuit, Sleepwear, Underwear, Shoes, Rubber Shoes, Slipper, Sneaker, Sportswear, Work Dresses, Outfit, Baby Dress, Apparel, Jacket, Jeans, Skirt, Cardigan, Clothing, Denim, T-shirt, Shirt, Puff Sleeve, Wardrobe, Gown, Sweater, Sport Gear, Adult Toy, Vibrator for Women, Dildo, Short Sleeve, Silicon ring, Maong Jeans, Hand bag, Office Attire, Night Gown, Nighties, Boxer Short, Seamless panty, Trunks, Bags, Strap, Trouser, Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Nike, Dry Fit, Dryfit

Kabilang ang kanilang mga produkto sa 32 pang mga kalahok na micro, small and medium enterprises (MSMEs) na nauna nang natulungan ng DTI na maging ganap na One Town, One Product o OTOP.

Ang OTOP ay isang pangunahing programa ng DTI na binuo sa bisa ng Executive Order 176 na inilabas ni noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2003, upang matulungan ang mga MSMEs na maitaas ang antas ng kalidad ng kanilang mga produkto upang maipasok sa mas malalaking merkado.

Ayon kay Jail Chief Inspector Delight Ercilla, regional chief ng welfare and development ng BJMP sa Region III, pinondohan ng BJMP ang pagkakaroon ng mga kinailangang mga materyales sa paggawa paso, mini-cabinet at iba pang handicraft ng mga PDL.

Nagsimula lamang ito nitong kalagitnaan ng taong 2022 na inisyal na iniaalok lamang ng BJMP sa pamamagitan ng online selling.

Layunin aniya nito na maging produktibo ang mga PDL habang nakakulong o dinidinig ang kani-kanilang mga kaso, sa pamamagitan ng pagpapamalas ng husay sa paglikha ng mga handicrafts na gamit ang mga kamay.

Ang kikitain ng mabibiling produkto ay mapupunta ang bahagi sa indibidwal na mismong lumikha at sa kanilang samahan.

Sinabi naman ni Edna Dizon, provincial director ng DTI-Bulacan, ito ang unang pagkakataon na nailahok sa isang trade fair na inorganisa ng ahesiya ang mga PDL sa Bulacan.

Umaasa siya na magiging regular na ito upang tunay na maitinda at mas mabilis na mabili ang mga likhang produkto mula sa loob ng mga kulungan.

Umalalay na ang Department of Trade and Industry (DTI)- Bulacan Provincial Office sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na maitinda ang mga produktong likha ng 45 na Persons Deprived of Liberty o PDL sa Bulacan sa pamamagitan ng binuksang OTOPamasko Pre-Holiday Fair. (Kuha ni Shane F. Velasco)

Kaugnay nito, ibinalita rin ni Angelita Parungao, provincial director ng Department of Science and Technology (DOST)- Bulacan Provincial Office, na nagkaloob ng oven ang ahensiya sa BJMP upang makatulong naman sa mga produktong pagkain na gawa ng mga PDL sa Bulacan.

Tatagal ang OTOPamasko Trade Fair hanggang Nobyembre 20, 2022. (RONDA BALITA Online)

Source: PIA Bulacan

TOP GADGETS: Lazada, Zalora, Shopee, Alibaba, eBay, Samsung, Sony, Huawei, Vivo, iPhone, Apple, Mac, Acer, Redfox, Nvidia, Redmi, Realmi, Xiaomi, Doggee, Zeus, Tenda, Wireless, Nikon, Fujifilm, Panasonic, Canon, Asus, Mediatek, Oppo

ONLINE SHOPPING: Shopee, Lazada, Zalora, Amazon, eBay, eBay PH, Walmart, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Alibaba, Lamudi, Facebook Marketplace, Carousell, The British Store, Jollibee Bulacan, ConcepStore, Galleon PH, Metrodeal, Adobomall, BestBuy

POPULAR BRAND: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Prada, Dior, Saint Laurent, Loewe, Hermes bag, Hermès, Celine, Marni, Balenciaga, Alexander McQueen, Givenchy, Bottega Veneta, Chloé, Chloe bag, Versace, APC Bag, Dolce & Gabbana, Valentino Garavani, Off-White, JW Anderson, Balmain, Coach, Fendi, Burberry, Alaïa, Giorgio Armani, Jil Sander, The Row, Phillip Lim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Shane F. Velasco
Shane F. Velascohttps://rondabalita.net
SHANE FRIAS VELASCO has been part of news writer/contributor of RondaBalita Online News Team for over the years. A stringer of Philippine News Agency (PNA)

MORE ARTICLES

Subscribe to RondaBalita

Clicking any ADS on our site, is a kind support to us to keep going. Unlike others, we don't have 'Billionaire Entity' on our end. FREEDOM OF EXPRESSION is all we got.

AMAZING ARTICLES

Show Buttons
Hidden Gems
Hide this