After-Tech

15 Matatagumpay na Agribusiness sa Bulacan, tampok sa 5th CARP Trade Fair

LUNGSOD NG ANGELES, Pampanga – Ibinida ng 15 mga Bulakenyong agro-entrepreneurs ang kani-kanilang mga matataas na produktong agrikultural sa binuksang 5th CARP Regional Trade Fair sa Marquee Mall sa lungsod ng Angeles, Pampanga.

Ayon kay Geraldine Yumul, provincial agrarian reform program officer ng Department of Agrarian Reform o DAR- Bulacan Provincial Office, ang 15 na mga agro-entrepreneurs ay kabilang sa nasa 36 libong benepisyaryo ng reporma sa lupa sa Bulacan.

YOU MIGHT BE INTERESTED!

YOU MIGHT BE INTERESTED!

TAGS 2: Fashion Clothing, Shopee, Lazada, Alibaba, Tiktok, eBay, Lingerie, Clothes, Brief, Panty, Pants, Bra, Blouse, Dress, Bikini, Men Fashion, Women Fashion, Fashion Outfit, Swimsuit, Leggings, Jumpsuit, Sleepwear, Underwear, Shoes, Rubber Shoes, Slipper, Sneaker, Sportswear, Work Dresses, Outfit, Baby Dress, Apparel, Jacket, Jeans, Skirt, Cardigan, Clothing, Denim, T-shirt, Shirt, Puff Sleeve, Wardrobe, Gown, Sweater, Sport Gear, Adult Toy, Vibrator for Women, Dildo, Short Sleeve, Silicon ring, Maong Jeans, Hand bag, Office Attire, Night Gown, Nighties, Boxer Short, Seamless panty, Trunks, Bags, Strap, Trouser, Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Nike, Dry Fit, Dryfit

Taong 1963 nang unang ipinatupad ang reporma sa lupa sa bisa ng Republic Act 3844 o Agricultural Reform Code sa ilalim ng administration ni noo’y Pangulong Diosdado Macapagal kung saan ang bayan ng Plaridel, Bulacan ang ginawang pilot area.

Naideklara naman ang buong Pilipinas bilang isang Land Reform Area sa bisa ng Presidential Decree No. 2 at naibigay sa mga magsasaka ang lupa na kanilang sinasaka sa bisa ng Presidential Decree No. 27 na inilabas ni noo’y Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. noong 1972.

Taong 1988 naman nang lagdaan ni noo’y Pangulong Corazon C. Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP bilang Republic Act 6657 na nagpakilala sa konsepto ng Stocks Distribution Option o SDO bukod sa pamamahagi ng titulo.

Ang mga palaisdaan ay naisama sa CARP noong 1998 sa panahon ni noo’y Pangulong Fidel V. Ramos. Habang pinalawig ang CARP bilang Comprehensive Agrarian Reform Program extension with reform o CARPer bilang Republic Act 9700 na nilagdaan ni noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sa batas na ito, nililimitahan sa hanggang limang ektarya na lamang ang lupang dapat pag-ariin ng mga hasyendero at dapat ang lalagpas dito ay maipagkaloob sa mga magsasaka o mangingisda.  

Kaya naman sa Bulacan, umaabot na sa 70 mga samahan ng mga agrarian reform beneficiaries ang naitatag kung saan may 20 libo sa kanila na mga magsasaka at mangingisdang Bulakenyo ang aktibong kasapi.

Ayon kay Edna Dizon, provincial director ng Department of Trade and Industry o DTI- Bulacan, hindi lamang ito basta isang karaniwang trade fair para sa mga micro, small and medium enterprises o MSMEs.

Kundi isang pagtatanghal kung paano naging ganap na agro-entrepreneur ang mga karaniwang magsasaka at mangingisda mula nang pagkalooban ng titulo ng lupang sakahan at palaisdaan.

Kabilang sa mga lumahok ang Catholic Servants of Christ Community School o CASECOM ng Baliwag na magtitinda ng Cocojam. Mula rin sa nasabing bayan, itinatampok ang iba’t ibang produkto na gawa mula sa karne ng Rabbit na gawa ng Rabbit Raisers and Meat Producers Cooperative.

Ang taga-San Miguel na Inang Enyang Eleven Fourteen Sweet Candies ay nag-aalok ng iba’t ibang uri ng minatamis gaya ng Pastillas at mga produktong mula sa gatas ng Kalabaw. Iba pa rito ang Minasa na gawa ng Catacte Multipurpose Cooperative ng Bustos.

Organic Rice naman ang dala ng multi-awarded na Joyful Organic Farm ng San Ildefonso. Habang ang mga taga-Donya Remedios Trinidad o DRT ay ibinibida ang ipinagmamalaki nilang Kape mula sa Talbak ng Talbak Fruits and Coffee Growers Inc. at Kakaw mula sa Saret Organic Farmville.

Ang Sta. Maria Dairy Multipurpose Cooperative ay muling inilahok ang ipinagmamalaki nilang mga dairy products gaya ng Yogurt, Fresh Milk at Kesong Puti.

Kabilang ang ready-to-drink na fresh milk na ito na gawa ng mga magsasaka na kasapi ng Sta. Maria Dairy Multipurpose Cooperative na lumahok sa ginaganap na 5th CARP Regional Trade Fair sa lungsod ng Angeles, Pampanga. Ang naturang mga magsasaka ay benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP. (Kuha ni Shane F. Velasco)

Para naman sa mga taga-dalampasigan ng Bulacan, nakapaketeng Fishball ang inilalako ng San Jose Fish Products ng Paombong, mga processed fish na gawa ng Lito Rey Boneless Tinapa ng Hagonoy at ang Kropek na gawa ng San Francisco Multipurpose Cooperative ng Bulakan.

Bukod sa pagkain, ang mga nalikhang Soil Conditioner naman ang itinitinda ng taga-Plaridel na Plaridel Rice and Vegetable Growers Multipurpose Cooperative. Bukas ang 5th CARP Trade Fair hanggang Nobyembre 20, 2022. (RONDA BALITA Online)

Source: PIA Bulacan

TOP GADGETS: Lazada, Zalora, Shopee, Alibaba, eBay, Samsung, Sony, Huawei, Vivo, iPhone, Apple, Mac, Acer, Redfox, Nvidia, Redmi, Realmi, Xiaomi, Doggee, Zeus, Tenda, Wireless, Nikon, Fujifilm, Panasonic, Canon, Asus, Mediatek, Oppo

ONLINE SHOPPING: Shopee, Lazada, Zalora, Amazon, eBay, eBay PH, Walmart, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Alibaba, Lamudi, Facebook Marketplace, Carousell, The British Store, Jollibee Bulacan, ConcepStore, Galleon PH, Metrodeal, Adobomall, BestBuy

POPULAR BRAND: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Prada, Dior, Saint Laurent, Loewe, Hermes bag, Hermès, Celine, Marni, Balenciaga, Alexander McQueen, Givenchy, Bottega Veneta, Chloé, Chloe bag, Versace, APC Bag, Dolce & Gabbana, Valentino Garavani, Off-White, JW Anderson, Balmain, Coach, Fendi, Burberry, Alaïa, Giorgio Armani, Jil Sander, The Row, Phillip Lim

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Shane F. Velasco
Shane F. Velascohttps://rondabalita.net
SHANE FRIAS VELASCO has been part of news writer/contributor of RondaBalita Online News Team for over the years. A stringer of Philippine News Agency (PNA)

MORE ARTICLES

Subscribe to RondaBalita

Clicking any ADS on our site, is a kind support to us to keep going. Unlike others, we don't have 'Billionaire Entity' on our end. FREEDOM OF EXPRESSION is all we got.

AMAZING ARTICLES

Show Buttons
Hidden Gems
Hide this