(Part 1)
ISLANG barangay na naliligid ng katubigang-alat. Napalilibutan ng malalawak na palaisdaan na kung minsan ay nagsisilbing disyerto ng asin. Umiinog sa payak na pamumuhay ang komunidad ng higit sa 5 libong mamamayan na pawang pangingisda ang ikinabubuhay — ang Isla Pamarawan, barangay ng mga masisipag at payapang mamamayan.
Sabado ng gabi Disyembre 16, 2017 nang iposte ni Pangulo Ronald Castro, ng PNP sa Facebook chat box ang pahatid-balita tungkol sa media tour isasagawa sa araw ng Linggo nitong Disyembre 17. Ang destinasyon ay ang Isla Pamarawan. Sakop ito ng Lungsod ng Malolos, kabilang sa 51 barangay ng siyudad.
YOU MIGHT BE INTERESTED!
YOU MIGHT BE INTERESTED!
TAGS 2: Fashion Clothing, Shopee, Lazada, Alibaba, Tiktok, eBay, Lingerie, Clothes, Brief, Panty, Pants, Bra, Blouse, Dress, Bikini, Men Fashion, Women Fashion, Fashion Outfit, Swimsuit, Leggings, Jumpsuit, Sleepwear, Underwear, Shoes, Rubber Shoes, Slipper, Sneaker, Sportswear, Work Dresses, Outfit, Baby Dress, Apparel, Jacket, Jeans, Skirt, Cardigan, Clothing, Denim, T-shirt, Shirt, Puff Sleeve, Wardrobe, Gown, Sweater, Sport Gear, Adult Toy, Vibrator for Women, Dildo, Short Sleeve, Silicon ring, Maong Jeans, Hand bag, Office Attire, Night Gown, Nighties, Boxer Short, Seamless panty, Trunks, Bags, Strap, Trouser, Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Nike, Dry Fit, Dryfit
Ang Malolos City Tourism Office ang sinabing nagkasa ng media tour dahil may programa roon ang MTO, kung saan ang mga kasapi ng PNP Daguit Press Corps ang magko-cover ng event.
Bago bumiyahe grupo patungong Isla Pamarawan, ilang minuto kaming inilibot ng MTO sa Museo ng Republika ng Malolos. Nagbigay din ng maikling mensahe ang director ng Department of Tourism-Region 3, Miss Carolina de Guzman Uy.

Ayon kay Miss Carolina de Guzman Uy, tutukan ng DOT ang pagpapasigla sa mga tourist destination sa iba’t ibang bahagi ng Central Luzon na malaki ang potensiyal sa pagsulong ng turismo kabilang ang Isla Pamarawan. Handa anya ang ahensiya na maglaan ng pondo para sa Pamarawan upang komportableng mapuntahan ng mga lokal at turistang banyaga.
Matapos ang paglilibot sa museo, sinabi ni Rolly Marcelino, tagapagsalita ng MTO na may nakahandang dalawang karatig jeep na aming sasakyan papunta ng Panasahan Fish Port, upang mula roon ay sumakay ng motorboat ang media group patungong Isla Pamarawan.
Kahit araw ng Linggo, matrapik pa rin ang daan sa Poblacion Malolos. Makaraan ang ilang minutong pagbiyahe ay narating din namin ang Punduhan ng Panasahan.
Tatlong bangkang de-motor ang inarkila ng MTO. Ang motorboat ang mode of transportation mula sa mainland Malolos hanggang sa Barangay Pamarawan.

Ayon sa tour guide na aming kasama sa bangka, kalahating oras daw naming lalakbayin ang river channel patungong Isla Pamarawan. Makulimlim ang panahon ng araw na iyon kaya bahagyang init lang ang dumadampi sa aming mga balat.

Mabagal lang ang takbo ng motorboat dahil manaka-nakang umiihip ang hangin na may kalakip na bugso. Tuwing sumasalpok ang mga alon na ‘di kalakihan sa unahan ng bangka naming sinasakyan ay tumitilamsik ang maalat na mga butil ng tubig sa aming mga katawa. Ang maluwang na kung minsan ay papakipot na ilog ang nagsisilbing ‘nautical highway’ ng mga bangka na biyaheng Pamarawan via Panasahan ay naliligid ng pakiwal-kiwal na dike na sa ibabaw niyon dumadapo ang mga ibong nanginginain ng mga isda.

Hindi nakaiinip ang maglakbay sa kailugang pawang mga puno ng sasa at bakawan ang iyong mamamalas sa riverbank. Parang walang katapusan ang tanawin ng hilera ng mga tulos ng baklad kaya nakawiwiling pagmasdan ang mga tanawin na sa latian lang makikita.
Karugtong: Isla Pamarawan: Alternatibong tourist destination (Last part) – Ronda Balita
TAGS: Shopee, Lazada, ZilingoTrade, LookingFour, BuyLocal PH, Poundit, Carmudi, Lamudi, Shopinas, Rotita, The British Store, Amazon, Khol’s, Walmart, Zappos, Jollibee Bulacan, NewEgg, Etsy, ModCloth, HomeDepot, BestBuy, AJIO, Asos, Myntra, Koovs, Net-a-Porter, Nasty Gal, Boohoo, Forever21, H&M, TheIconic, Zalora, Alibaba, Metrodeal, eBay PH, Galleon PH, Deal Grocer, Autodeal, Zipmatch, KimStore, Globe Shop, Facebook Marketplace, Carousell, Malolos Bulacan Food Delivery, ConcepStore, Ticketnet, Food Panda, Grab Food, Adobomall, Zagana, Nativbird