(Part 1)
NAKAPAPAGOD ang mahabang oras na pagbiyahe sa ilang lalawigan sa Norte tulad ng Ifugao, Mountain Province at Kalinga. Hindi biro ang maglakbay sa tatlong lalawigang ito na gugugulan ng 12 oras sa biyahe pa lamang gamit ang pribadong behikulo.
Alas-2 ng madaling-araw ng araw ng Biyernes Pebrero 9, 2018 nang kami ay umalis sa bayan ng Plaridel, Bulacan. Dalawang Toyota UV express ang aming sinakyan at higit sa dalawampu ang aming bilang.
Tinahak namin ang Daang Maharlika. Hindi magandang dumaan sa naturang highway sa bahagi ng Bulacan dahil maraming parte ng kongretong kalsada ang wasak samantalang ang mahabang bahagi na nilatagan ng aspalto ay nagkaroon ng tila mahabang kanal ang lugar na dinadaanan ng mga gulong ng mga sasakyan ng naturang pambansang lansangan.
Malamig ang madaling-araw dulot ng hanging amihan. Sa loob lamang ng ilang oras ay narating namin ang Dalton Pass o ang Pasong Balete, lugar ng boundary ng dalawang probinsiya: Nueva Ecija at Nueva Viscaya.

Mataas ang lugar na kinaroroonan ng Dalton Pass na aabot sa 3,000 feet above sea level kaya may kasamang fog ang malamig hangin ng madaling-araw na iyon. Bumama kami sa sinasakyan naming van upang magbawas ng tubig sa aming mga pantog (bladder).
YOU MIGHT BE INTERESTED!
YOU MIGHT BE INTERESTED!
TAGS 2: Fashion Clothing, Shopee, Lazada, Alibaba, Tiktok, eBay, Lingerie, Clothes, Brief, Panty, Pants, Bra, Blouse, Dress, Bikini, Men Fashion, Women Fashion, Fashion Outfit, Swimsuit, Leggings, Jumpsuit, Sleepwear, Underwear, Shoes, Rubber Shoes, Slipper, Sneaker, Sportswear, Work Dresses, Outfit, Baby Dress, Apparel, Jacket, Jeans, Skirt, Cardigan, Clothing, Denim, T-shirt, Shirt, Puff Sleeve, Wardrobe, Gown, Sweater, Sport Gear, Adult Toy, Vibrator for Women, Dildo, Short Sleeve, Silicon ring, Maong Jeans, Hand bag, Office Attire, Night Gown, Nighties, Boxer Short, Seamless panty, Trunks, Bags, Strap, Trouser, Chanel, Gucci, Louis Vuitton, Nike, Dry Fit, Dryfit
Bahagyang nahilo ang aking mga kasama pagdaan namin sa zigzag road ng Sta. Fe, sa Nueva Vizcaya. Bahagyang bumabagal ang takbo ng aming mga sasakyan kapag may nasusundan kaming mga cargo truck. Sumisilay na ang haring araw nang marating namin ang bayan ng Bayombong, ang capital town ng Nueva Vizcaya.

Pagsapit ng bayan ng Solano, nagtanong na sa mga taong naglalakad sa kalye ang aming driver. Ngayon lang kasi siya nagbiyahe sa naturang destinasyon. Itinuro ng taong napagtanungan ang bayan ng Villaverde na sakop din ng Nueva Vizcaya. Naroon kasi ang kanto na papasok ng lalawigan ng Ifugao. Ang Lamut ang unang bayan ng Ifugao.
Alas-9 ng umaga nang marating namin ang bayan ng Banaue. Sabik ang aking mga kasama na makita ang ipinagmamalaking Banaue Rice Terraces na tinawag ding “Eighth Wonder of the World“. Inabutan namin doon ang maraming mga sasakyan ng mga turista sa makipot na kalsada.
Pumarada kami sa isa sa mga viewpoint ng Banaue Rice Terraces at doon na rin kami nag-agahan. Pagkakain ay kani-kanya ng puwesto para magkodakan. Sa isang viewpoint ay may isang matandang Igorot na nakasuot ng tradisyunal na bahag at may hawak na sibat. Nagpakuha ng larawan ang aking mga kaanak kasama ang matandang Igorot. Nagbigay naman kami ng kaunting halaga sa katutubo.
Nagkatuwaan din kaming magpakuha ng larawan sa isang wooden scooter na gamit ng mga Igorot sa kanilang paglalakbay.

Habang pinagmamasdan ko ang hagdan-hagdang palayan ng Banaue, nadismaya ako dahil unti-unti nang sinasakop ng mga kabahayan ang naturang taniman ng palay na aabot sa 2,000 taon ang gulang. Ayon sa mga tagaroon, ang mga matatandang magsasaka sa Banaue ay patay na samantalang ang kanilang mga anak na nakapag-aral ay naninirahan sa Metro Manila, kaya napabayaan na rin ang kanilang mga bukirin.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagdagsa ng mga turista sa pamosong Banaue Rice Terraces. Habang dumarami ang mga turistang namamalagi roon, parang kabute namang nagsusulputan ang mga paupahang gusali.
Darating ang araw na wala nang babalikan pang hagdan-hagdang palayan ang mga turista dahil unti-unti nang nilalamon ng kaunlaran ang lugar na dating hinahangaan dahil sa angking kariktan.
Ano pa ang ipagmamalaki ng mga taga-Banaue kung mapapabayaan ang hagdan-hagdang palayan na ipinamana pa sa kanila ng kanilang mga ninuno.
Dahil wala nang iba pang tanawin na mamamalas sa Banaue, nagpasya kami na lisanin ang Ifugao upang tumungo naman sa bayan ng Sagada sa lalawigan ng Mountain Province.
Nanggilid sa mga kabundukan ang highway patungong Sagada, ang Banaue-Bontoc National Road. Walang ilaw ang naturang liku-likong lansangan at bihira ang mga sasakyang dumadaan, maliban na lamang kung may mga turistang pupunta sa tourist destination ng Sagada. Itutuloy (RONDA Balita Online)